Naiuwi na kaninang hapon, Mayo 8, sa kanilang tahanan sa Aggugaddan, Peñablanca, Cagayan ang labi ni Ryan B. Lucena, bagong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na pumanaw noong Mayo 7, matapos makaranas ng komplikasyon mula sa umano’y heatstroke.

Nangyari ang insidente dalawang araw matapos siyang manumpa bilang opisyal na kadete ng PNPA noong Mayo 5.

Ayon sa ulat, nawalan ng malay si Lucena habang kumakain ng pananghalian at agad dinala sa Academy Health Service, bago inilipat sa PNP General Hospital.

Sa kabila ng gamutan sa ICU, binawian siya ng buhay sanhi ng Cardiogenic Shock, Intractable Hyperkalemia, Acute Kidney Injury, at Rhabdomyolysis Nephropathy.