
Sinabi ni Office of the Vice President Assistant Secretary Lemuel Ortonio na hindi empleyado ng OVP si dating VPSPG chief Col. Raymund Lachica, kundi itinalaga lamang ng Armed Forces of the Philippines bilang commander ng security group ni Vice President Sara Duterte.
Inihayag ito ni Ortonio sa ika-19 na araw ng impeachment trial matapos tanungin ni Senator-Judge Vicente “Tito” Sotto III ang employment status ni Lachica sa OVP.
Samantala, nauna nang sinabi ng AFP na tinapos na nito ang imbestigasyon kay Lachica kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds matapos umanong kunin na ng Ombudsman ang mga reklamo laban sa kanya.
Nauna ring sinabi ng dating OVP special disbursing officer Gina Acosta na iniutos umano ni Duterte ang pagpapalabas ng ₱125 milyon confidential funds kay Lachica.










