
Hindi na umano kailangang iharap ng House prosecution panel bilang testigo si dating VPSPG chief Col. Raymund Lachica sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay private prosecutor Lorna Kapunan.
Ayon kay Kapunan, magiging redundant at hindi na kailangan ang pagtestigo ni Lachica dahil sapat na umano ang mga dokumento at testimonya na iniharap ng prosekusyon kaugnay ng confidential funds.
Samantala, sinabi ni Manila Rep. Joel Chua na maaaring “trap” ang pag-aalok ni Lachica na tumestigo, lalo na’t maaari umano nitong baguhin ang takbo ng paglilitis.
Nauna nang sinabi ni Lachica na handa siyang humarap sa impeachment court kung legal na iimbitahan.
-- ADVERTISEMENT --










