Sinabi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na welcome si Senator Loren Legarda kung nais nitong bumalik sa majority bloc ng Senado.

Gayunman, iginiit ni Lacson na kailangan munang makabalik sa Pilipinas si Legarda bago muling sumama sa majority.

Naka-extended medical leave si Legarda mula Agosto 3 at huling nakita sa Senado noong Hulyo 29.

Ayon sa kaniyang spokesperson na si Atty. Tony La Viña, nasa France si Legarda para sa medical treatment at nagpapahinga dahil sa kondisyon na lumalala umano kapag nakararanas ng stress o tension.

Samantala, nahaharap sina Legarda at kaniyang anak na si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste sa mga reklamo ng plunder at graft kaugnay ng umano’y hindi pagtupad ng renewable energy firm ni Leviste sa obligasyong magbigay ng solar power.

-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ni Legarda ang mga alegasyon at iginiit na palagi niyang pinangangalagaan ang kaniyang integridad.