
Nagpalala sa krisis ang mga hakbang ni US President Donald Trump sa Gitnang Silangan, na nakaapekto sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng mundo, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson
Ani Lacson, ang pumalyang diskarte ni Trump ay nagdulot ng boom sa tensyon sa rehiyon at pagtaas ng presyo ng langis, na direktang ramdam ng bansa.
Dagdag pa niya na dapat managot ang lider ng Estados Unidos sa mga epekto ng kanyang aksyon hindi lamang sa sariling bansa kundi sa buong mundo.
Binanggit ng senador na lumawak ang sigalot sa rehiyon at mas maraming bansa ang nadamay, kabilang ang Nordic Alliance, Canada, at posibleng NATO, na nagtulak sa mas mataas na antas ng kawalang-katiyakan sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Lacson, ang umiiral na sitwasyon ay nagdudulot ng malubhang hamon sa suplay ng langis at sa ekonomiya ng Pilipinas, na nangangailangan ng agarang pagtutok ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto sa mga mamamayan.









