
Nanawagan si Senador Ping Lacson sa Senate impeachment court na payuhan ang prosecution at defense panel na iwasang magbigay ng pahayag tungkol sa merito ng impeachment case ni Vice President Sara Duterte upang mapanatili ang integridad ng paglilitis.
Ayon kay Lacson, bago pa man magsimula ang impeachment trial sa Hulyo 6 ay tila may hiwalay nang paglilitis sa harap ng publiko o tinatawag na “trial by public opinion.”
Nilinaw ng senador na ang kanyang panawagan ay nakatuon lamang sa mga pahayag hinggil sa laman o merito ng kaso at hindi sa usapin ng proseso ng paglilitis.
Samantala, inaasahang ilalabas ng Senate impeachment court sa Hunyo 29 ang pre-trial order na magsisilbing gabay sa takbo ng impeachment trial, na nakatakdang isagawa tuwing Lunes hanggang Miyerkules bago ang State of the Nation Address o SONA ng Pangulo.










