Naiuwi sa gulo ang masayang inuman sa Barangay Fuyo, Ilagan City, Isabela matapos na bugbugin ang isang lalaki dahil sa hindi magandang sinabi sa kanyang kainuman.

Nagtamo ng mga pasa at mga sugat ang biktima na itinago sapangalang “Johnson” dahil sa pananakit sa kanya.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga nag-iinuman matapos na sabihan ni Johnson ang isa nilang kainuman na “Ang pangit mo.”

Dahil dito, pinagtulungan na bugbugin ng magkapatid, isa ang sinabihan ng pangit si Johnson matapos na mainsulto sa kanyang sinabi.

Dinala sa ospital si Johnson para sa medical treatment sa mga tinamo niyang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Hinuli ng mga rumesponding mga pulis sina alyas Bryan at Jayvin, at dinala sila sa Ilagan Police Statio, habang inihahanda ang kaukulang kaso na isasampa laban sa kanya.

Nabatid na lasing na si Johnson nang sabihan niya ng pangit ang isa kanyang kainuman.