Nahaharap ang isang lalaki sa kasong homicide dahil sa pagpatay sa kapwa niya lalaki sa Santo Tomas, Isabela.

Una rito, natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa bakanteng lote sa Barangay Balelleng.

Boluntaryong sumuko naman ang suspek at inamin na ginilitan niya ng leeg biktima.

Sinabi ng suspek na nagawa niya ang krimen bilang ganti sa kahalayan na ginawa sa kanya ng biktima.

Ayon sa kanya, tatlong beses umano siya hinalay ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Huling nakita ang lalaki noong nakaraang Sabado kasama ang isa pang lalaki na nalamang suspek sa krimen.