Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lalaki na nahuli sa entrapment operation ng pulisya dahil sa pagbebenta ng overpriced alcohol sa Tuao, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Reymar Sibayan, 44 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Cagumitan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PCAPT Ferdinand Datul, hepe ng PNP Tuao na nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagbebenta ng suspek ng alkohol sa mas mataas na halaga kung kaya ikinasa ang buy-bust operation sa bahay nito.

Nahuli ang suspek matapos bentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer at bumili ng 1 litrong isoprophyl alcohol sa halagang P300 kahit nasa P122 hanggang P148 lang ang suggested retail price nito noong Sabado ng hapon.

Bukod dito, nakumpiska din sa suspek ang 10 ni-refill sa plastic bottle na tig-isang litrong alcohol.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 11469 (Bayanihan to Heal as One Act of 2020), Republic Act 7581 (Price Act) at RA 7394 (Consumer’s act of the Philippines.