TUGUEGARAO CITY- Problema sa pamilya ang nakikitang dahilan ng pagbigti ng isang lalaki sa Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.

Ang biktima ay isang 19 anyos na binata, tindero ng isda at residente ng Calasiao, Pangasinan.

Sa panayam kay PMAJ Norly Gamal, Hepe ng PNP Abulug, dumayo lamang ang grupo ng nasabing biktima upang

magbenta ng isda sa palengke at naganap aniya ang insidente pagkatapos mag-inuman ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Sa pagsisiyasat ng pulisya hindi na idinetalye pa ng biktima sa kanyang kainuman kung ano ang

partikular na dahilan ng problema nila sa pamilya ngunit naghihinanakit umano siya sa kanyang mga

kaanak.

Gamit ang straw na itinali sa likod ng kanilang sinakyang elf truck ay nagbigti ang biktima at ng

makita ito ng kanyang kasamahan ay wala ng buhay.

Maalalang ito na ang ikalawang insidente ng pagpapakamatay sa nasabing bayan ngayong Linggo kung saan

una ang isang misis na nakaranas umano ng depresyon dahil sa hindi nababayarang utang