Lalaki na nangingikil sa mga nagnanais maging pulis,huli sa entrapment operation sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY-Inihahanda na ang kaso laban sa isang lalaki na nangikil sa isang ginang na may anak na dating nag-apply para maging isang pulis na ngayon ay isa nang pulis.

Sinabi ni Police Captain Arnulfu Gabatin,hepe ng PNP Sto.Niño,Cagayan na agad nilang ikinasa ang entrapment operation laban laban kay Merlito Pascua,48,ng Alcala nang isumbong siya ni Gng. Imelda Mebana na muli siyang hinihingan ng P40,000 ng suspek.

Ayon kay Gabatin,nahuli nila si Pascua sa Brngy.Dunggaw.

Sa salaysay ni Gng.Mebana,ipinakilala sa kanya si Pascua ng isang kamag-anak.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya,nag-alok si Pascua na tutulungan niya ang kanyang anak na makapasok sa PNP kung saan ay una siyang humingi ng P27,000.

Subalit,hindi nakapasok bilang pulis ang kanyang anak

Sinabi ni Gabatin na nagulat na lamang ang ginang nang tumawag sa kanya si Pascua at sinisingil ang kanya umanong balanse sa pagtulong niya sa kanyang anak kaya siya nakapasok ngayong taon bilang pulis.

Kaugnay nito,nilinaw ni Gabatin na nakapasok bilang pulis ang anak ng ginang dahil nakapasa at kualipikado siya.

Dahil dito,nagbabala siya sa mga nagnanais na maging pulis na huwag lumapit sa kung sino-sino na nagsasabi na mayroon silang mga kakilala na makakatulong para mabilis ang proseso.

Iginiit ni Gabatin na walang palakasan sa pagkuha sa mga bagong pulis sa haluip ay dumadaan ito sa tamang proseso.