TUGUEGARAO CITY-“Depression” ang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng isang lalaki sa bayan ng Enrile, Cagayan.

Ayon kay Pssgt Hygenus Favilla, imbestigador ng kaso,maghapon umanong magkasama ang biktima na si Agamil Baricua at ang kanyang live-in-partner sa isang tindahan sa Brgy San Jose.

Unang nagpaalam na umuwi ang biktima sakanilang tahanan sa Brgy. Centro 2 at makalipas ang ilang oras ay sinundan siya ng kanyang live in partner.

Ngunit,labis na lamang ang pagkabigla ng live in partner ng kanyang makita ang biktima na nakabitin gamit ang lubid sa kanilang salas at wala ng buhay.

Batay sa naging pahayag ng live in partner ng biktima sa pulisya, may dinadamdam umano na depression ang biktima ngunit hindi na nito nabanggit kung ano ang dahilan ng kanyang depression.

-- ADVERTISEMENT --

Wala namang nakikitang foul play sa pagkamatay ng biktima.