Problema sa pag-ibig ang itinuturong dahilan sa pagpapatiwakal ng isang 20-anyos na magsasaka sa bayan ng Claveria.
Ayon kay PSSGT James Caronan ng PNP- Claveria, dakong 7:00 ng umaga nang nadiskubre ng ama ang bangkay ng kanyang anak habang nakabigti gamit ang isang duyan sa kanyang tinutuluyang barracks bilang caretaker ng manukan sa Brgy Santiago.
Sa imbestigasyon, lumilitaw na hindi nakayanan ng biktima ang pagtangging makipagbalikan ng dati niyang kasintahan mula Leyte na nakilala lamang niya sa social media at hindi pa sila nagkikita.
Kumbinsido namam ang ama ng biktima na nagpakamatay ang anak nang makita sa cellphone ang palitan nila ng mensahe sa dati nitong kasintahan.
Nabatid na naglasing muna ang biktima sa dahilang hindi niya lubos matanggap ang tuluyang pakikipaghiwalay ng nobya.