TUGUEGARAO CITY- Hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang 39 anyos na binata sa loob ng kanilang bahay sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa ulat ng PNP-Tuguegarao, alas 2:30 ng hapon, kahapon August 30 nang nadiskubre ng kanyang nakatatandang kapatid ang biktimang si Rodel Lasam na nakabitin gamit ang isang lubid sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Bagay.

Wala nang buhay ang biktima nang kalagin mula sa pagkakasabit sa steel beem ng bahay.

Ayon sa PNP, nakakaranas umano ng depression ang biktima, ayon sa kanyang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya kung may nangyaring foul play sa pagkamatay nito.