Isang magnanakaw ang pumasok sa isang bahay ng isang duktor sa Lucknow, India, subalit dahil sa kalasingan ay nakatulog siya.

Nagulat na lamang ang lalaki nang magising siya na may mga pulis.

Ayon sa report, ang bahay ay pagmamay-ari ni Sunil Pandney na nagtatrabaho sa Balrampu Hospital kaya wala tao sa kanyang bahay.

Nagtaka ang kanyang mga kapitbahay dahil nakabukas ang pintuan ng bahay at nang sumilip sila ay nakita nila na nagkalat ang ilang mga kagamitan sa loob nito.

Dahil dito, tumawag sila ng mga pulis at nakita ang lalaki sa loob ng bahay na kinilalang si Kapil na nakatulog.

-- ADVERTISEMENT --

Agad na hinuli ang lalaki at nakatakdang litisin ang kanyang kasong pagnanakaw