TUGUEGARAO CITY- Patay ang isang lalaki matapos na malunod sa dagat sa Buguey, Cagayan.
Sinabi ni PSSgt. Jeffrey Corpuz ng PNP Buguey, nagtungo sa isang resort ang biktima na si Michael Cosme at iba para mag-picnic.
Bago pinayagan ang mga ito na makakuha ng isang cottage sa resort ay pinaalalahanan umano sila ng kmga empleyado ng resort na huwag maligo sa dagat dahil sa malakas na alon.
Subalit, nagtungo pa rin sa dagat ang anak ng biktima at isa pang bata.
-- ADVERTISEMENT --
Nang makita ni Cosme na nalulunod ang dalawang bata ay agad siyang sumakloklo.
Nailigtas ang dalawang bata subalit si Cosme naman ang nalunod.