Nahuli ang isang suspek matapos ang pananaksak sa dalawang katao at ginawa pang hostage ang isang binatilyo sa Baliwag Public Market sa Bulacan.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag ng madaling araw kahapon tungkol sa insidente sa nasabing lugar.

Nang makarating ang mga pulis sa lugar, sinubukan nilang makipagnegosasyon sa suspek, na tumangging sumuko.

Nang makakuha ng pagkakataon, matagumpay na nadis-armahan ng isang pulis at napatigil ang suspek at naiwasan na masaktan niya ang kanyang hostage.

Dinala ang dalawang nasugatan na biktima sa malapit na ospital para sa medical treatment.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap ngayon ang suspek sa dalawang bilang ng attempted homicide at serious illegal detention sa ilalim ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Kaugnay nito, pinuri ni PNP chief Police General Nicolas Torre III ang katapangan, professionalism, at ang mabilis na responde ng mga pulis sa Baliwag.

Sinabi ni Torre na ang mabilis na aksyon ng mga nasabing pulis ang nagbigay-daan para maiwasan na makapanakit pa ng iba ang suspek.