Patay ang isang 32-anyos na lalaki na si Romnick Abion matapos pagsasaksakin habang natutulog sa bangketa sa San Marcelino Street, Ermita, Maynila noong Martes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, nakaalitan umano ng biktima ang suspek noong umaga ng parehong araw matapos siyang sitahin bilang bahagi ng kampanya laban sa mga street dwellers, na nauwi sa suntukan at pananakit gamit ang tubo at martilyo.

Nahuli ang 35-anyos na suspek sa Paco Park at narekober ang ginamit niyang patalim, pati na rin ang gloves at lalagyan nito na ibinaon sa ilalim ng puno.

Batay sa ulat ng pulisya, sinadya ng suspek ang krimen bilang ganti sa insidente.

Kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng Homicide Section ng Manila Police District at nahaharap sa kasong murder.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy namang nananawagan ang pamilya ng biktima na maipagbigay-alam sa mga kaanak ni Abion sa Bicol ang nangyari upang makuha ang kanyang bangkay sa punerarya.