CTTO

TUGUEGARAO CITY-Natagpuang wala ng buhay at may isang tama ng baril sa ulo ang isang lalaki sa bayan ng Iguig, Cagayan.

Ayon kay P/Capt. Jeffrey Canay. Chief of police ng PNP-Iguig, tumawag ang Brgy. captain ng Brgy. Malabbac at ipinagbigay alam ang nakitang bangkay ng lalaki sa kanilang lugar kung saan agad naman itong nirespondehan.

Nakilala ang biktima na si Joseph Cuntapay, 56-anyos at residente ng Brgy. Redondo sa kaparehong bayan.

Batay sa salaysay ng pamilya ng biktima sa kapulisan, Mayo 16, 2020 nagtungo ang biktima sa kanilang farm sa Brgy. Malabbac ngunit hindi na ito nakauwi at kahapon (Mayo 18, 2020) nakita ang bangkay na may isang tama ng baril sa ulo.

Sinabi ni Canay na hanggang ngayon ay hindi pa mabatid kung anong klaseng baril ang ginamit sa pagpatay sa biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, may sinusundan ng lead ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek pero tumanggi muna itong isapubliko habang umuusad pa ang imbestigasyon.

Tinig ni P/Capt Jeffrey Canay