TUGUEGARAO CITY-Naagnas at wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa gilid ng Cagayan river na sakop ng Sto Niño, Cagayan.

Ayon kay Police Capt. Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP-Sto niño, nasa 5’1 ang tangkad ng nasabing lalaki at nakasuot ng itim na short at puting t-shirt nang makita ng mga residente ng Brgy. Matalao ang bangkay ng nasabing lalaki.

Aniya,pagkalunod ang pinakamalapit na dahilan ng pagkamatay ng nasabing lalaki dahil wala namang tinamong sugat sa katawan.

Kaugnay nito, sinabi ni Gabatin na makipag-ugnayan lamang sakanilang tanggapan ang sinumang may nawawalang kaanak.

Sa ngayon, nasa isang punerarya sa bayan ng Gattaran ang bangkay ng nasabing lalaki habang isinasagawa ang imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --