
Patay ang isang padre de pamilya matapos barilin sa harap ng kanilang bahay sa Jaen, Nueva Ecija.
Kinilala ang biktima na si Ted Veneracion.
Mapapanood sa CCTV ang pag-aligid ng isang rider sa bahay ng biktima sa Barangay Sapang noong Disyembre 5 bago ang pamamaslang.
Sa isa pang larawan, isang pang lalaki ang nakunan na umangkas sa motorsiklo at tumakas.
Agad rumesponde ang barangay officials sa crime scene pero dead on the spot ang biktima.
Ayon sa anak sa anak na babae ng biktima, agad silang lumabasng bahay nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril, kung saan nakita nila na nakahiga at duguan ang kanyang ama.
Dito na tumawag ng tulong ang pamilya ng biktima sa mga awtoridad.
Patuloy ang pagsasagawa ng backtracking ng pulisya para mahanap ang mga lalaki, at malaman ang motibo sa pamamaslang.










