Tuguegarao City – Patay ang isang lalaki matapos makuryente matapos isampay ang damit sa wire ng electric post sa Brgy. Malinta, Lasam, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Franklin Allag, 29.

Sa panayam kay PCAPT Antonio Palattao, hepe ng PNP Lasam, isinampay ni Allag ang basang damit nito sa kable ng kuryente pagkatapos magdilig ng pananim sa kanilang bakuran.

Maaaring hindi aniya napansin ng biktima ang open wire na pinagsampayan ng damit at nahawakan niya ito na naging sanhi upang siya ay makuryente.

-- ADVERTISEMENT --

Agad naman umanong rumesponde ang rescue team sa kanilang bayan katuwang ang PNP Lasam at sinubukang isugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara siyang dead on arrival.