TUGUEGARAO CITY-Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki matapos makuryente habang nanghuhuli ng isda gamit ang “eletro-fishing device” sa bayan ng Amulung, Cagayan.
Ayon kay Police Captain Albert Florentino ng PNP-Amulung,gabi ng Agosto 16 nang magtungo ang biktima na si Jhonny Asuncion, 50-anyos residente ng Brgy. Monte Alegre sa Brgy Manalo para mangoryente ng isda.
Aniya, umaga na ng Agosto 17 nang makita ng kanyang kaanak ang biktima na nakahandusay at wala ng buhay sa palayaan kung saan illegal na nangisda.
Siniguro naman ni Florentino na walang nangyaring foul play dahil batay sa lumabas na autopsy ng biktima, siya ay nakuryente.