TUGUEGARAO CITY-Wala ng buhay nang isugod sa pagamutan ang isang lalaki matapos tamaan ng bala ng baril nang manlaban sa isinagawang buy bust operation dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Una rito,sinubukang pasukuhin ng pulisya ang suspek na si Jay Cubacob matapos magkaabutan ng buy bust money at illegal na droga sa barangay Tanza ngunit nanlaban ito.

Inilabas ng suspek ang kanyang calibre 38 na baril at ipinutok sa nagpanggap na buyer na pulis kung saan tinamaan ang bullet vest ng pulis.

Dahil dito, naghiganti rin ng putok ng baril ang mga miembro ng kapulisan kung saan tinamaan ito sa kanyang katawan na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nakuha mula sa suspek ang apat na piraso ng illegal na shabu, calibre 38 na may limang bala at isang libong piso.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, mabilis namang tumakas ang isang kasamahan ng suspek lulan ng kanyang motorsiklo na sa ngayon ay pinaghahanap na ng kapulisan.