TUGUEGARAO CITY- Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa nakabangga-patay sa isang lalaki sa Claveria, Cagayan kagabi.
Sinabi ni PMaj. Edgar Manuel Jr., hepe ng PNP Claveria na batay sa kanilang imbestigasyon, hindi umano napansin ng biktima na si Elbert Dela Cruz na may paparating na kotse na minaneho ni Julius Duyao ng Ilocos Norte nang mangyari ang pagkakabangga sa biktima sa Brngy, Pata West.
Agad naman na dinala ang biktima sa ospital subalit, binawian siya ng buhay.
Nabatid na mula sa Banna, Ilocos Norte ang suspek sakay ng kanyang pamilya at papunta sila sa Sanchez Mira.
-- ADVERTISEMENT --
Sinabi ni Manuel na kusa namang sumuko ang suspek sa kanilang himpilan.