Inaresto sa isang bakanteng gusali ang magkapatid na suspek sa pananaga at pananaksak sa isang lalaki sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ang magkapatid na sina Neric at Richard Viado na itinuturong responsable sa pagpatay sa biktimang si Rey Sagsagat.

Una rito, sinabi ni PMAJ Manuel Viloria Jr., hepe ng Gonzaga Police Station na bigla na lamang inundayan ng saksak ni Neri ang biktima nang ito ay kanilang tinawag habang nakikipag-inuman sa Barangay Ipil, pasado alas 9:00, kagabi (December 22).

Bagamat nakatakbo pa sa tinamong sugat sa tiyan ay nagawa naman itong habulin ni Richard at tinaga ang biktima sa kanyang ulo.

Dead on the spot ang biktima habang nahuli kinaumagahan sa follow up operations ng PNP ang magkapatid na suspek na nagpalipas ng gabi sa isang gusali sa Barangay Centro.

-- ADVERTISEMENT --

Inaalam pa ang motibo sa krimen, subalit posible umanong may dati nang alitan ang biktima at mga suspek na nahaharap sa kasong murder.

Bahagi ng panayam kay PMAJ Manuel Viloria, Jr., hepe ng Gonzaga Police Station