TUGUEGARAO CITY- Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang lalaki matapos na pagpapaluin at saksakin ng kanyang pamangkin sa Abulug, Cagayan.
Sinabi ni PSSgt. Alexis Hipolio ng PNP Abulug, kasalukuyan umanong umiinom ang biktima na si Pepe Asebedo sa loob ng kanilang bahay nang dumating ang kanyang pamangkin na si si Edison at sinabing siya makikitulog.
Subalit, bigla na lamang umanong pinagpapalo ng kawayan at sinaksak ng pamangkin ang kanyang tiyuhin.
Nagtamo ng dalawang saksak sa kanyang tagiliran ang biktima.
Sinabi ni Hipolio na ang posibleng may galit ang biktima sa kanyang tiyuhin dahil sa lagi umano siyang sinasaktan noong siya ay bata pa lamang.
Bukod dito, maaaring ito ay dahil na rin sa impluwensiya ng nakalalasing na inumin dahil sa lasing ang suspek.
Nabatid pa mula kay Hipolio na may dati nang ginawa ang suspek kung saan ay binugbug niya ang kanyang ama.