Umabot na sa mahigit P6.6M halaga ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Albay dulot ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, batay sa ulat ng Albay Provincial Agricultural Office.

Pinakamalubhang naapektuhan ang mga pananim na palay at high-value crops sa Camalig, Guinobatan, at Daraga.

Sa datos, nasa P2.6M ang kabuuang pinsala sa palay kung saan 87 magsasaka ang direktang naapektuha.

Kabilang dito ang mahigit 24 ektarya ng lupang sakahan sa Camalig na tuluyang nasira, habang may mga bahagyang napinsala rin sa Guinobatan.

Mas malaki naman ang lugi sa high-value crops na umabot sa higit P4M, kung saan ang Daraga ang may pinakamalaking naitalang pinsala.

-- ADVERTISEMENT --

Nasundan ito ng Guinobatan at Camalig na parehong nakaranas ng pagkasira ng mga pananim sa ilang ektarya ng lupain.

Samantala, patuloy ang monitoring ng mga otoridad sa kalagayan ng mga sakahan sa paligid ng bulkan upang agad na makapagbigay ng tulong at interbensyon sa mga apektadong magsasaka.