Pumanaw ang isang 31-anyos na lalaki matapos makagat ng asong may rabies noong Agosto 2024 sa Laguna.
Kinilala ang biktima na si Janelo Limbing, isang factory worker, na agad nagpaturok ng unang anti-rabies vaccine ngunit hindi nakumpleto ang buong bakuna dahil sa kakulangan sa pera at oras.
Ayon sa kanyang kinakasama na si Eva Peñalba, inuna ni Janelo ang trabaho kaysa sa pagbabalik sa animal bite center dahil mahal ang bakuna na umaabot ng P2,500.
Noong Mayo 15, nagsimulang makaranas si Janelo ng lagnat at hirap sa pag-inom ng tubig, na sinundan ng matinding takot sa hangin — mga klasikong sintomas ng rabies.
Dinala siya sa ospital ngunit ipinaalam ng mga doktor na 48 oras na lamang ang kanyang itatagal.
Bago bawian ng buhay noong Mayo 18, nagawa pa ni Janelo na mag-iwan ng video messages para sa kanyang mga anak.
Dahil sa rabies, hindi siya na-embalsamo at kinailangang i-cremate.
Humihingi ngayon ng tulong si Eva para mabayaran ang mahigit P25,000 na utang sa punenarya at libing.