Problema sa pinansiyal at sa pamilya ang nakikitang dahilan ng pagbigti ng isang lalaki sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Sinabi ni PEMS Gerardo Conde Jr. ng PNP lallo na bago ang pagpapatiwakal ng lalaki na edad 31, isang magsasaka ay nakita siya ng kanyang kapatid na nakaupo sa gilid ng tulay sa barangay Catayauan.

Nang kausapin ng kapatid ang biktima ay sinabi niyang gusto niyang tumalon mula sa tulay dahil sa kanyang problema.

Subalit, nahikayat siya ng kapatid na umuwi sa kanilang bahay kung saan ay doon na rin siya natulog noong Enero 9.

-- ADVERTISEMENT --

Kinaumgahan ay pinuntahan ng kapatid ang pinagtulugan ng biktima dahil sa nagtaka siya nang hindi pa siya lumalabas at dito na niya nakita na nakabitin na ang biktima at wala ng buhay.