Naglalakad ng patalikod ang isang lalaki sa Indonesia ng 700 kilometro mula sa kanyang bahay na malapit sa isang bulkan sa East Java papunta sa Jakarta upang mabigyang pansin ang nakakalbo ng mga kagubatan ng Indonesia.
Umaabot sa 20 hanggang 30 kilometro ang nalalakad ni Medi Bastoni, 43-anyos kada araw na may suot na rear view mirror upang makita ang nilalakarang patalikod.
Sinimulan ni Bastoni ang paglalakad noong kalagitnaan ng Hulyo at plano niyang marating ang Jakarta sa Independence Day ng Indonesia na gaganapin sa Agosto 16.
Umaasa si Bastoni na pagdating niya sa Jakarta na pauunlakan siya ni Indonesian President Joko Widodo ng isang meeting para maiparating ang nauubos ng punong kahoy sa kagubatan ng Indonesia.