Nag-handstand habang tumatakbo ng higit 120 kph ang motor na kanyang sinasakyan ang isang British stunt rider na nagdala upang makapagtala ng bagong Guinness World Record

Umabot ng 122.31 kilometro kada oras ang bilis ng itinakbo ng motor ni Marco George, 30-anyos na isinagawa sa isang paliparan sa North Yorkshire.

48 kph lang sana ang target ni George dahil doble na iyon ng dating world record ngunit nakumbinsi siya ng mga organizers ng kanyang record attempt na bilisan pa ang pagpapatakbo niya sa motor.

Hindi naman daw ito ang huling world record attempt na isasagawa ni George.