Nagbigay ng tribute ang isang masugid na tagahanga sa kanyang paboritong singer sa pamamagitan ng record-breaking na 18 tattoos ni Madonna sa kanyang katawan.

Nakuha ni Tara Berry ng Topela, Kansas, USA ang Guinness World Record for the most tattoos of the same musician on the body ng isang babae, kung saan naagaw niya ang titulo mula kay Nikki Patterson ng Britanya, na may 15 tattoos ni rapper Eminem.

Sinabi ni Berry na nakuha niya ang kanyang unang tattoo ni Madonna noong 2016 nang marinig niya na naghahanap ang singer ng isang fan na may tattoo para sa isang music video, subalit ang kanyang ink rendition sa singer ay hindi agad natapos para sana makasama siya sa video.

Ayon kay Berry, mayroon na siyang dalawang protrait tattoos ni Madonna nang mabasa niya ang tungkol sa may hawak ng Guinness World Record title na may 15 tattoos ni Eminem.

Nagpasiya na kailangan niyang malampasan ang nasabing record at tinawagan niya ang artist at pinagawa niya ang kanyang mga tattoo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kanyang pagtaya, ang halaga ng kanyang mga tattoo ay mahigit $9,800.

Sinabi ni Berry na nanghingi siya, nangutang siya, at marami pa siyang ginawang paraan para makalikom ng pera para sa kanyang mga tattoo.