Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 55 anyos na lalake matapos saksakin ng kanyang kapitbahay sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Kinilala ni PLT.COL Osmundo Mamanao, cop ng pnp baggao ang biktima na si Alyas Romeo habang ang suspect naman ay si Alyas Martin, 65 anyos, magsasaka at kapwa residente ng Brgy.Pallagao, Baggao.

Una rito ay nasa kalagitnaaan umano ng pag-iinom ang suspek sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang biktima na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin at sinabihan ang suspect ng mayabang kapag ito’y nakainom.

Hindi naman ito nagustuhan ng suspect dahilan upang kunin nito ang kanyang itak at sinaksak sa tiyan ang biktima.

Agad dinala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ngunit inilipat din sa CVMC dahil sa matinding sugat na tinamo nito sa kanyang tiyan ngunit habang nilalapatan ng lunas ay binawian rin ito ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --