Posibleng dahil sa kalasingan kaya nalunod sa ilog ang 54-anyos na lalaki sa bahagi ng Pinacanauan river sa lungsod ng Tuguegarao.

Natagpuan ang palutang-lutang na bangkay ng biktimang si Paulino Callangan, residente sa Rizal St., Centro 9 sa may bahagi ng ilog sa Barangay Centro 1.

Ayon kay Choleng Sap, head ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) posibleng nagpunta sa ilog ang biktima upang maligo para mawala ang pagkalasing subalit napadpad ito sa malalim na bahagi ng ilog kaya ito nalunod.

Una na ring pinagbawalan ang biktima ng kanyang pamilya sa pagpunta sa ilog.

Nabatid na patay na ang biktima nang sumaklolo ang rescue 1111 matapos itawag ng isang residente sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --