Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang 54-anyos na lalaki sa bayan ng Lasam, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ni Pol. Master Sgt. Van Richmund Tagabing ng PNP-Lasam, nadiskubre ng kanyang anak-anakan ang nakabiting katawan ng biktimang si Ernesto Taguba sa kisame ng kanyang bahay gamit ang lubid sa Barangay 3.

Naisugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Bago ang insidente, madaling araw nang nakita umano ang biktima na balisa at palakad lakad sa palibot ng kanyang bahay habang umiinom ng softdrinks.

Pinaniniwalaang nauwi sa depresyon ang matinding pag-iisip ng biktima sa natuklasang sakit matapos magpasuri sa duktor dahil sa pag-ihi ng dugo.

-- ADVERTISEMENT --