Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) – Dangerous Drugs Division ang isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng ilegal na abortion pills at mga pinagbabawal na gamot sa online.
Kinilala ang suspek na si Jonathan Abetria, na naaresto sa loob ng isang maliit na bodega matapos na magpanggap ang mga operatiba na bibili ng kanyang ibinebentang pampalaglag.
Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), hindi awtorisadong ibenta sa publiko ang mga nasabat na gamot, kabilang ang abortion pills na nagkakahalaga ng P28,000 at umano’y “rape drug” na ibinebenta sa halagang P4,500.
Napagalaman na walang kaukulang lisensya mula sa FDA, Professional Regulation Commission (PRC), at Certificate of Registration (COR) ang suspek para magbenta ng naturang gamot.
Nahaharap si Abetria sa patong-patong na kaso bilang paglabag sa Cybercrime Prevention Act, Philippine Pharmacy Act, at Consumer Act at FDA Law.