Huli ang isang tricycle driver sa bayan ng Buguey matapos ang pananakot nito sa kanyang mga kainuman gamit ang isang laruang pellet gun.

Kinilala ang suspek na si Joy Sebastian, 46 anyos, may asawa at residente sa Brgy. Villa Leonora.

Ayon kay JhunJhun Balisi, hepe ng PNP Buguey, isang concerned citizen ang nagsumbong sa ginagawang pananakot ni Sebastyankung saan ay tinututukan niya ang kanyang mga kainuman ng umanoy caliber 45 na baril.

Nang respondehan ng pulisya ay nakita nila ang suspek at boluntaryo namang isinuko ang umanoy ginagamit na baril at dito nakitang ito ay isang pellet gun.

Paliwanag aniya ng suspek ay napilitan lamang siyang ilabas ang hawak na laruang baril upang ipantakot sa kanyang mga kasamahan matapos na siya ay pagkaisahan sa kanilang diskusyon habang nag-iinuman.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nasa kustidiya ng pnp ang suspek na nahaharap pa rin sa kasong paglabag sa RA 10591 o iligal na pag-iingat ng baril na may kaugnayan sa omnibus election code.