Nahaharap ang isang opisyal ng Philippine National Police Academy (PNPA) ng mga kaso dahil sa acts of lasciviousness kaugnay sa alegasyon ng sexual harassment sa isang kadete.

Inihain ang kaso laban sa nasabing opisyal ng PNPA sa Silang-Amadeo Municipal Circuit Trial Court.

Batay sa report ng pulisya ng Calabarzon, nitong July 31, nilasing umano ng suspek ang biktima at sinabihan na maghubad at bigyan siya ng masahe.

Subalit, bukod sa masahe, malisyosong hinawakan umano ng suspek ang katawan ng kadete hanggang sa bahagi ng kanyang singit.

Kasunod nito ay ginawan umano ng suspek ng oras sex ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa pulisya, humingi ng tulong ang biktima ng duty guard sa gusali at sa kanilang superior na nagresulta sa paghuli sa suspek.

Sinabi pa sa report na nangyari umano ang insidente sa loob ng PNPA.

Kinumpirma rin ng pulisya na ang biktima ay isang lalaking PNPA cadet at ang suspek ay isang police major na itinalaga bilang tactical officer sa academy.

Inirekomenda na rin ng PNP sa Silang na sumailalim sa psychological debriefing ang biktima na kadete.