Patay ang isang lalaking sangkot umanao sa iligal na droga matapos manlaban sa mga otoridad sa bayan ng Solana, Cagayan.

Kinilala ang napatay na suspek na si Reynaldo Yacat, 57 anyos, residente sa Barangay Maddarulug Norte sa bayan ng Enrile.

Ayon kay Police Capt JunJun Balisi, hepe ng Solana PNP, bumunot ng baril si Yacat matapos mahalatang pulis ang katransakyon niya sa buybust operation sa Barangay Centro Centro Southwest Solana.

Gumanti naman ang pulisya sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang kanang kamay subalit muling nagpaputok ang suspek kung saan napilitang barilin ng pulis sa kanyang dibdib na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Narekober mula sa suspek ang P2,000 buy bust money, 2 sachet na pinaniniwalaang shabu at ang kanyang cal. 38 na baril.

-- ADVERTISEMENT --

Lumalabas sa imbestigasyon ng Solana PNP na sangkot rin ang napatay na suspek sa mga serye ng nakawan at holdap sa naturang bayan.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang tumakas na kasamahan nito gamit ang motorsiklo.