Tuguegarao City- Patay ang isang lalaki matapos atakihin ng kanyang sakit habang sumasailalim sa quarantine checkpoint laban sa COVID-19 sa bayan ng Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ang nasawi na si Gregorio Casuga Jr., 55-anyos, may-asawa at residente ng Bagumbayan, Lallo, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PSSGT Marvin Lorenzana ng PNP Camalaniugan na patungo sa kanyang sakahan ang biktima, sakay ng kanyang motorsiklo nang ito ay parahin sa community quarantine checkpoint sa Barangay Jurisdiction.

Bagama’t exempted sa Enhanced Community Quarantine ang biktima matapos magpakita ng travel pass, bigla umano itong ninerbiyos at sinumpong sa kanyang sakit na hypertension.

Aniya, sinubukan pa umano itong lapatan ng first aid bago dalhin sa pagamutan subalit binawian na rin ito ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Lorenzana, walang nakikitang foul play sa pagkamatay ng biktima.