
Sinusuri ng Land Registration Authority o LRA ang pinagmulan at kasaysayan ng ilang land title na may kaugnayan sa umano’y ilegal na reclamation sa bahagi ng Laguna Lake sa Taguig, ayon kay Senator Panfilo Lacson.
Ani Lacson, tinitingnan ng LRA ang mga dokumentong isinumite ng Philippine Reclamation Authority upang malaman kung may mga land title na naibigay sa mga reclaimed area ng lawa.
Sinabi niyang kailangang balikan ang history ng mga original certificate of title o OCT at iba pang paraan ng pagkuha ng titulo upang matukoy kung may manipulasyon at mapanagot ang mga responsable.
Samantala, sinabi rin ni Lacson na ilang crates ng dokumento mula sa Department of Public Works and Highways kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyekto sa Taguig ang isusumite sa Office of the Ombudsman para sa pagsusuri at posibleng imbestigasyon.










