Nagtapos sa rambulan ng mga manlalaro ng Charlotte Hornetts sa Detroit Pistons.

Nangyari ang insidente ng tapusin ng Pistons ang siyam na sunod na panalo ng Hornets sa score na 110-104.

Nagsimula ang gulo ng sinadya umanong i-foul ni Moussa Diabate ng Hornets si Jalen Duren ng Pistons.

Dito ay nagkaabot ang dalawa hanggang nakidamay ang ilang manlalaro ng bawat koponan.

Dahil dito ay pinatawan ng ejection sina Duren at Diabate kasama sina Isaiah Stewart ng Piston at Miles Bridge ng Hornets.

-- ADVERTISEMENT --

Nasama rin na pinatawan ng ejection si Hornets head coach Charles Lee ng ireklamo nito ang foul na ibinigay sa kaniya.