Patay ang isang lasing na lalaki matapos sumagi ang sinakyang motorsiklo sa kasalubong na center car sa bayan ng Buguey.

Sinabi ni Pol/Capt. Joel Labasan, hepe ng Buguey-PNP na pauwi sa kanyang bahay sa Barangay Centro sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Noel Pagulayan, 56 anyos na nasa impluwensya ng nakakalasing na inumin.

Pagdating sa Barangay Pattao ay nag-overtake ang motorsiklo sa sinusundang sasakyan na naging sanhi ng pagkasagi nito sa kasalubong na sasakyan na minamaneho ni Valeriano Rebellion, 55 anyos, meat vendor at residente sa Brgy. Mala Weste.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktima matapos nawalan ng kontrol at tumama ang dibdib nito sa manibela ng motorsiklo bago tuluyang nahulog sa sementadong daan.

Dagdag pa ni Labasan, posibleng aregluhin o hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa driver ng center car.

-- ADVERTISEMENT --