
Nananatiling nasa 9.2 meters ang lebel ng tubig sa Buntun bridge sa Tuguegarao City, batay sa pinakahuling monitoring kaninang alas-9 ng gabi.
Bunsod ito ng tuloy-tuloy na pag-ulang nararanasan sa lungsod at mga kalapit-probinsiya.
Dulot ng pagtaas ng tubig, ilang pangunahing kalsada sa lungsod ang hindi na madaanan dahil sa pagbaha, kabilang ang Riverbank–Bonifacio St. sa Centro 1, Riverpark at Fish Depot sa Centro 10, Aguinaldo St. papuntang Pinacanauan, Gunnacao St., Taguinod St. sa Annafunan East, Taft St. sa Centro 5, at Macapagal Crossing.
Hindi na rin madaanan ang Pinacanauan Overflow Bridge dahil sa mataas na tubig.
Samantala, isang spillway gate sa magat dam ang kasalukuyang nakabukas na mayroong total opening na 1 meter.
Patuloy ang paalala sa mga residente na maging alerto at lumikas na mula sa mga lugar na mabababa, habang nagpapatuloy ang pag-ulan at pagtaas ng water level.










