
Humingi umano si Senator Loren Legarda ng moral support sa kanyang mga kasamahan sa Senado habang kinakaharap ang alegasyon ng plunder kaugnay ng mga hindi natapos na solar energy project na nagkakahalaga ng ₱10.44 bilyon.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, dalawang beses na silang nag-usap ni Legarda, ngunit wala itong nabanggit kung kailan siya babalik sa bansa.
Sinabi ni Lacson na bukod sa mga alegasyon, binanggit din ni Legarda ang kanyang iniindang sakit at ang batikos na kanyang natatanggap.
Naka-extended medical leave si Legarda sa Senado dahil sa iniulat na lung-related illness.
Samantala, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na nakapaghain na ng counter-affidavit sina Legarda at ang kanyang anak na si Batangas Representative Leandro Leviste kaugnay ng plunder complaint.
Kapwa itinanggi nina Legarda at Leviste ang anumang maling gawain.










