
Magsasampa ng mga mosyon ang kampo ni Batangas Representative Leandro Leviste para hilinging ipawalang-bisa o alisin ang arrest warrant na inilabas laban sa kanya.
Ayon kay lawyer Tony La Viña, tagapagsalita ni Leviste, ihahain ng kanilang mga abogado ang mga mosyon ngayong araw kaugnay ng kaso.
Inilabas ng Makati court ang arrest warrant laban kay Leviste dahil sa umano’y paglabag sa Public Service Act.
Nasa France pa rin umano si Leviste. Sinabi ni La Viña na sa pagkakaalam niya, kailangang personal na humarap sa korte ang isang akusado para makapagpiyansa.
Nauna nang sinabi ni Leviste na hindi dapat ikabahala ng kanyang mga supporter ang arrest warrant at iginiit na mahina at walang sapat na basehan ang reklamo ng Department of Energy laban sa kanya.










