Hindi pa itinuturing ng Department of Justice na fugitive from justice si Batangas Representative Leandro Leviste, kahit may arrest warrant na laban sa kanya.

Ayon kay OIC Senior Deputy State Prosecutor Herbert Calvin Abugan, may proseso munang kailangang sundin bago ideklarang fugitive from justice ang isang akusado at bibigyan din ito ng pagkakataong humarap sa korte.

Nasa France ngayon si Leviste para alagaan ang kanyang ina na si Senator Loren Legarda na naka-medical leave.

Hinimok naman ng DOJ si Leviste na isumite ang sarili sa hurisdiksyon ng korte. Anila, maaari lamang pag-usapan ang mga hakbang tulad ng pagkansela ng pasaporte kung idedeklara muna siyang fugitive from justice.

May arrest warrant laban kay Leviste kaugnay ng umano’y paglabag sa Public Service Act.

-- ADVERTISEMENT --