TUGUEGARAO CITY-Nakatakdang bibigyan ng tulong pinansyal ngayong araw ang pamilya ng 14-anyos na babae na pinatay at ginahasa sa bayan ng Amulung,kamakailan.

Ayon kay Amulung mayor Elpidio Rendon, bukod sa P15,000 na ibibigay ng Department of Social Welfare and Development ay magbibigay din ang kanyang opisina ng P10,000.

Pagkukwento ng alkalde, pagkatapos niyang malaman ang pangyayari ay agad niyang tinignan ang kalagayan ng pamilya ng biktima.

Aniya, hirap sa buhay ang pamilya ng biktima kung kaya’t kailangan na kailangan ng pamilya ang nasabing halaga.

Bukod dito, sinabi ni Elpidio na kanya ring siniguro na mabibigyan ng hustisya at mapanagot sa batas ang nasa likod ng pangyayari.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng alkalde na nakipag-ugnayan na siya sa kapulisan para madaliin ang kaso.

Tinig ni Mayor Elpidio Rendon

Matatandaan, nitong umaga ng Lunes nang matagpuan ang biktima sa isang maisan na wala ng buhay,walang saplot pambaba, nakatali ang leeg ,kamay ,paa at ginahasa pa.