TUGUEGARAO CITY-Paiigtingin ng Local Government Unit(LGU)-Sta Ana ang kanilang pagbabantay sa mga Chinese national na pumapasok sa kanilang munisipalidad kasunod ng pagkakadeklara bilang drug-cleared Municipality.

Ayon kay Santa Ana Mayor Nelson Robinion, isa ang bayan ng Sta Ana ang madalas na pinupuntahan ng mga chinese.

Dahil dito, hinikayat ng alkalde ang mga opisyales ng Lgu Sta Ana maging ang hanay ng pulisya na magmanman sa mga chinese upang hindi makapagpasok ng illegal na droga lalo na sa nasasakupang lugar.

Aniya mahalaga na makontrol ang pumapasok sa kanilang lugar upang mapanatili ang kawalan ng illegal na droga sa bayan ng Sta Ana.

Umapela na rin ng alkalde ang mga residente sa nasasakupang lugar sa kanilang kooperasyon para maging tuloy-tuloy ang drug-cleared Municipality.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan,idineklarang drug-cleared municipality ng Philippine Drug Enforcement Agency ang bayan ng Sta Ana nitong nakalipas na araw.